top of page

𝗙𝗿𝗼𝗺 𝗖𝗼𝗿𝗻𝗲𝗿-𝗰𝘂𝗯𝗶𝗰𝗹𝗲 𝘁𝗼 𝗖𝗼𝗿𝗮𝗹-𝗿𝗲𝗲𝗳𝘀



ree

From Deadlines to Deep-dives. I was in the rat race—trapped in the corporate world na parang may kulang, walang katapusang routine life.

Stable naman, oo. But deep down, I was tired. Empty. May Apat na taon din akong nagtrabaho sa call center. Gabi-gabi, sa harap ng computer monitor, nagsusumikap para sa isang sweldo na sapat lang pambayad ng bills. Paulit-ulit ang cycle — gising, trabaho, tulog. Pero tiniis ko, dahil pangarap kong makatulong sa pamilya at makaipon.


Pagkalipas ng ilang taon, naging OFW ako. Akala ko ‘yun na ang sagot — mas malaking kita, mas maraming oportunidad. Pero kapalit nito, malayo ako sa pamilya, sa mga mahal ko sa buhay. Sa kabila ng magandang sahod, may puwang sa puso ko na parang may kulang pa din.


Hanggang sa isang araw, napagtanto ko: “Hanggang kailan ako magtatrabaho para sa pangarap ng iba?"


Doon ko pinili ang sarili ko. Tinaya ko ang lahat para magsimula ng sarili kong landas — ako ang boss, ako ang gumagawa ng direksyon. Mahirap sa simula, puno ng takot at duda. Pero ngayon, nandito ako — namumuhay ayon sa sarili kong terms. Wala nang time-in, wala nang boss. Ako na ang gumagawa ng sarili kong pangarap.


Sa lahat ng nasa parehong sitwasyon — tandaan mo: hindi kailanman mali ang pumili sa sarili. Lakasan mo lang ang loob mo. Kasi minsan, ang tunay na tagumpay ay nagsisimula sa desisyon mong piliin ang sarili mo.


Sagutin mo deep inside— What if I choose me?

What if I choose my passion—yung bagay na kahit pagod ka, masaya ka pa rin?

And so, I did. I took the risk. I followed the ocean’s call. Diving changed my life.


Ngayon, I wake up excited.

Work doesn’t feel like work anymore—because I’m doing what I love, and I’m using my strengths to guide others to experience it too.


It wasn’t easy. Pero worth it.

This is not just a job.

This is Freedom. This is Joy and also a Purpose.

.

.

.

ree

 
 
 

Comments


Dive with Rowena

@2024 Thebestdivesites.com ALL RIGHTS RESERVED.TERMS AND CONDITION

bottom of page